Sunday, June 19, 2005

mahirap mabuhay...

masikip ang aking dibdib. kagabi pa. dala ng aking sakit (hika at ubo na mejo matagal na). hindi ko alam kung ang sakit na eto ay dulot ng aking problema o dala ng ubo na may konting plema. basta ang alam ko masikip dibdib ko. ilang araw na rin eto. pero palagay ko dahil sa problema na aking dinaranas ngayon na binigay ni adan.

eto ang kwento. siyet sasakit na naman dibdib ko nito. pag ako'y inatake dito alam nyo na kung sino sisisihin.

miyerkules. tama nong miyerkules nga. umaga pa lang mainit na ulo ni aju. tinawag ako at may mga pinalitan sya sa imbestigasyon ko sa royal tern at tsarina grand villas sa gentri. di ako umiimik non. sabi ko sa sarili ko okay lang kse boss ko sya. palaging tama di ba. palitan ko daw report ko. in short, iimprove ko daw at ayusin. walang problema sa akin yun. ang sa akin lang naman wag palitan ang nilalaman ng aking report. putsa, eh palitan ba naman ang ibang nakasulat dun sa mga findings ko. wag daw isali ang mga nakita ko na hindi naman naka saad dun sa reklamo ng royal tern. ewan ko di ko maintindihan talaga. palibhasa bobo...pero okay pa rin ako. kinuha ko na lang report ko at sabi ko susundin ginawa nya.

pagdating ng hapon mainit pa rin ulo. bulong ko nga kay bobby na katabi ko sa mesa, baka may sumpong o di kaya may regla si adan at kung ano ano ang pinagsasabi. pinapabayaan ko lang. tutal di naman ako inaabala sa trabaho ko. pagdating ng alas tres, may technical conference na sya daw ang mag preside kse ala si mam eloi at mam siony. eh ang siste nawawala ang mga documents. ang pinag initan eh ako. aba eh malay ko ba kung san ang mga dokomentong yun basta lumabas na sa akin ang mga for action di ko na alam. ang alam ko ako ang gumagawa lang ng mga sulat at mga imbitasyon. pinahanap sa kung san san at di nga makita. kaya ayun nagalit na naman...hinampas ang papel sa mesa nya sa tapat ng taga munisipyo ng rodrigues, rizal ata yun na isa sa mga naimbitahan. kaya ayun pinagalitan ako. etong si mommy geline di rin makita. sa opisina ni rd wala din dun. kulang na lang sabihin ko sa kanya di ako ang nagtatago ng files. eh sa galit nga at tsaka boss is always right di ba. tahimik ako sa tabi. malungkot. di alam gagawin. sabi ni gel skin bigyan ako ng juice. sabi ko yosi na lang. putsang buhay to nasasangkot ako sa problema na di ko alam. o hindi nya lang mapagalitan si mommy gel kaya ako ang pinapagalitan. pero okay lang sa akin yun tsong. kahit ako'y kinukulang sa hininga at masakit na sa dibdib ko tinaggap ko yun. boss eh, always right. putang ina....

pero hindi un problema ko. nong umaga ibinalik nya sa akin ang project ni kalbo na memorial park (paborito nya na idelay na project kse ka away nya). nakalagay sa marginal note mag explain daw ako bakit nadelay ang project. eh nong june 7 pa sa kanya tapos june 15 nya ibinalik sakin. kanino nagtagal? di ba sa kanya? eh naghahanap lang un lagi ng lusot. pero di pa rin ako sumagot. sabi pa nya ala pang pirma si aldrich. kaya ayun, pinirmahan ko ang kay aldrich tsaka diniretso na kay madam siony kse may pirma naman sya dun sa iba.

pero eto ang siste. nakita nya na may pirma si aldrich. nagalit na naman sa akin. mabuti na lang naka alis na ako ng mga alas kwatro. umalis na talaga ako kse di ko na kaya pagalitan pa ulit. hinanap ako. mabuti nagsabi ako kay gel na punta na akong skol. pero di ako pumuntang skol non. sa sama ng loob ko yinaya ko si gina sa tokdo para uminom. oo. alas 4 ng hapon pumunta kami dong dalwa para uminom ng colt. may problema din pala sya kaya naghahanap ng inom. nag yosi kse kami sa likod at sbi nya sakin tara inom na tayo. eh ako pa. masama loob ko the whole day. kaya ayun uminom kami. eh sa wala ako kaya sya gumawa ng memo na pina paexplain ako bat ko daw pinirmahan ang report. okay lang sana sa akin un kung para sa akin lang. eh hindi eh. copy furnished ba naman ang director at admin at si mam siony. san ka pa? putsang buhay to. ang sa akin lang naman ginawa ko un in good faith para di magtagal ang project. ni wla nga akong singkong duling na natatangap dun sa project na un kse hindi na ako ang nag inspection at nag conduct ng public consultation. sa maikling salita, ginawa ko lang ang ecc. putsang buhay to.

masama pa nito, ung hapon na un mismo, binigyan agad ng kopya ang mga naka cc. ang tindi ng galit ni aju talaga ano. pero sana kinausap muna ako. hindi ung memo kaagad. eh pano di alam ang gagawin. bobo kasi. ng gabi ding iyon, humingi ako ng paumanhin kay gel na sabi ko syensya na kasi mejo bad trip lang ako kako kanina kay adan kaya umalis ako ng maaga. yinaya ko pa nga sya sa tokdo pero sabi nya may rush din sya. reply ni mommy, may memo nga raw ako. dahil dun sa pirmahan blues. duh...inom pa. alak pa. mabuti at dumating si rey at milner para makipag inuman dun. enjoy naman ako. masaya kasing kausap si rey. si pangga naman iniwan ni milner. iyakan blues. wala rin akong masabi malaki din problema ko. sbi ko lang maghiwalay na lang sila. nasa katinuan pa naman yata ako non.

ng matapos kami ng inuman, sama talaga loob ko. di ko alam gagawin ko at di ko alam pupuntahan. gusto ko pang uminom. mahigit limang daan binayaran namin don sa tokdo ibig sabihin naka 4 na rounds kami or 20 bottles in all na colt. eh nauna kami ni pangga uminom. ibig sabihin mga 6 na naubos ko. di pa rin ako lasing. dala ng sama ng loob, hika , ubo at putang ina na hindi ko maintindihan. tinext ko mga barkada ko sa JRU. sabi ko may problema ako at kita kami sa total dun ang inuman. total gas station yun malapit sa JRU na pinapasukan ko dati. buti naman at dumating si leo at zander. maasahan talaga mga kaibigan na mga tambay. kakagraduate lang kse kaya mga pasaway. 4 na colt binili ko (ung malalaki ha...jumbo ba tawag non. lasingan mga pre sabi ko may problema lang ako. ang putang ina kong immediate boss. tapos bumili pa ako ng 2 vodka cruiser. inubos ko un. di pa rin ako marindi. putang inang buhay to. sa daming alak na pumasok skin di maalis sa isip ko ang pamimersonal na ginawa ni adan sa akin. sa tabi ng table namin may mga pokpok pa. nakipaglandian pa ako para maalis lang ang problema ko. wala pa rin. napunta na lang kay leo si aj (aj nga pangalan at di pa rin ako lasing) at dun sa harap naman naglaplapan ba naman. kadiri kse nakita ko dun sa isang table nakipaghalikan din sa isang lalake. eh di parang nakipaghalikan din si leo dun. yuck..etong si zander gusto din pala makipaghalikan kse lasing na rin. mantakin mo apat na colt. mga 1 na ng umaga di pa rin ako nakauwi. di pa ubos ang inom eh. pumunta pa kaming 3 dun sa isang barkada namin para mambulabog. eh tulog na. kaya umuwi na lang kami. ang 2 sumama pa sa akin sa bahay. pagdating ng bahay inuman ulit. bumili pa ako ng 3 pulang kabayo. todo na to mga pre. tutal masama loob ko. mamamatay na kung mamatay. siguro mga 4.30 na ako nakatulog. sa liit ng bahay ko dun sa sala natulog ang dalawa kung san nakalagay mga computers. ako sa loob na lang.

dapat di na ako nakagising. magpapasalamat sana si adan kse akoy na tsugi na. eh hindi eh. ang aga kong nagising. 6 pa lang gising na ako. pag cr ko puro suka ang laman. putsa. ang baho. si zander pala suka ng suka. pero di ako sumuka. pag problemado pala ako kahit isang drum inumin koung alak still standing pa rin. pumasok pa rin akong office.

etong si aju tinawagan na pala si mam siony para i brief at nag usap pa sila pag dating ni madam. kaya alam ko galit din si madam sa akin. tahimik lang ako na gumagawa ng trabaho ko. kumukuha ng tyempo para umeksena kay madam. ng makausap ko si madam okay naman sya. mahinahon at tinulungan ako. un nga lang sabi sa akin baka di na sya magtitiwala. naiintindihan ko un. sinabi nya sa akin na humingi na lang ng paumanhin. ginawa ko. di sa personal ha. sa memorandum din. syempre cc din si rd at ang admin.

pagkahapon, pinatawag na ako ni rd. alam ko kakampihan ako pero syempre may konting sermon na dapat di ko ginawa yun. nadamay ko pa nga si aldrich sa usapang eto. kakahiya man kay aldrich ala akong magawa. babawi na lang ako sa kanya. una akong tinawag sa loob. pagpasok ko andun na pala si aldrich, sir bob sheen at tita odette. sinabi ko lang na sana kinausap nya muna ako bago ako binigyan ng memo. un lang sinabi ko. pero di ako umiyak. mahinahon lang ako. mahinahon din kse si rd at mabait pati si sir bob. tapos sabi ni rd at sir bob, napakaliit na bagay pinapalaki daw nya.

ng tinawag si adan, pagpasok nya namumula din ang alang hiya. kala siguro susuportahan sya. eh hindi. ng mag explain nagsinungaling pa. sabi daw binalik ni mam siony ang documents sa kanya. eh that time wala si madam siony. sinungaling talga. pero ala akong kibo. silent night kung baga. putang ina mo sa isip isip ko. may oras ka din na hayop ka. ayun pinagsabihan pa sya ni sir bob at rd. maliit lang na bagay dapat pag usapan at sana di na raw gumawa ng memo. ang siste ng tanga, tatango tango din. oo sir oo sir ang drama. putang ina mo....ng palabas na kami may sinabi pa si rd sa kanya. narinig ko eh, sabi, adan kill the memo, wag ng palakihin yan....pumalakpak tenga ko. buti nga sayo tang na mo. eto pa bago ako lumabas tinanong kung magkano sweldo ko at sinabi ni rd na dadagdagan daw ako ng 1,000 kami ni aldrich. di ba gud news yun? 12,600 sweldo ko nito aside sa travel at honorarium. wa epek memo ni adan. sabi pa ni rd kay tita oddette idagdag daw ako sa editorial board. nabasa nya kse ang madamdamin kung reply kay adan. baka nadala. wa epek ang memo. pag labas ko ngiti na lang ako.

pero ganon pa rin. sa tingin ko nagsumbong si adan kay mam siony kung anong pinag usapan sa loob. kaya feeling ko mainit pa rin ulo ni mam siony sa akin. pero just the same, i have to accept the consequences of my wrong act. pero promise, pinirmahan ko lang un para mapabilis ang ang pagtakbo ng documents kse malapit na deadline. ika nga done in good faith. kse kmi naman nila albie, lora at jenny dati (sa central na sya ngayon), pinipirmahan namin ang bawat isa kung ala sila dun. mutual understanding ba. ako pumipirma din sa signature ni lora sa mga pass outslip at DTR. ung tipong pirma ng kaibigan na alam mo yun di magagalit kse kailangan pirmahan. siguro naiintindihan naman to ng mga magkakaibigan. si adan lang talaga ang di nakakaintindi palibhasa alang kaibigan ang bobo. ung tipong alang halong pagkukunwari at deception na pirma kse alam mo kailangan. pero kse nga iba iba tayo. sa amin nila albie okay lang talaga un....alam ko kahit kela shine at gina okay lang yun kse nga kailangan. di naman un tseke na pipirmahan mo kse kelangan mo ang pera. ibang usapan un.

pero un nga. tapos na ang kabanatang ganyan sa buhay ko. wala na akong magawa. kung mainit man si mam siony at adan sa akin nito. tatangapin ko na lang.

papalitan ko na nga pangalan ko sa monday. bukas pala. FORGE na pangalan ko by the way. kse nakalagay sa memo FORGERY. forgery nya ang putang ina nya. sabi ko nga bakit di pa nya binigyan ng kopya ang DENR Secretary para lubos lubosan na. kala mo talaga kung sinong malinis na tao. putang ina. parang di ko alam ang pinagagawa nya. mabait pa rin ako. kse nong magkausap kmi dun sa room ni rd hindi ko man lang sinnabi na pinapagawa ako ng inspection report at ako pa ang pumipirma. dalawang beses pa yun. pero may narinig ba sya sa akin? putang ina nya. wala. wala. saan ang mas masahol don. sa pagpirma ko sa kay albie na may pahintulot nya o sa pagpagawa ng inspection report sa akin? eh wala akong magagawa eh...

yun na nga, FORGE na nga pangalan ko. kaso ko kasi dati unexplained wealth. ngayon forgery na. good luck sa akin. at sa mga nakabasa nito, ginawa ko lang to para sa sarili ko para gumaan ang masikip kung dibdib. para man lang maibsan ang hirap na dinaranas ko ngayon. bukas, lunes di ko alam ang gagawin ko sa opisina. bahala na.

ang gumagalang,

FORGE (o di ba maganda naman pakinggan?)

3 comments:

Ampalaya said...

Uy! Forge! Musta na? haha! Nabasa ko ang iyong madamdaming salaysay. Aba! Galit ka nga talaga ano? hehe. Super heavy Tagalog natin e. =). Anyway, just think that these things will all go away someday. At si "DaHu" ay makakatikim din ng kanyang sariling gamot. =).One day... one sweet day. bwahahahahhaha.

Diamond R said...

welcome aboard Forge.

mabuti naman at nalampasan mo ang kaguluhang ito dahil malinis ang puso mo nakapanig sayo ang mundo.

Umaapaw ang mga kaganapan. nice read.

tHirDy... said...

hey thanks...:)