Tuesday, November 07, 2006

nothing much to talk about..ten 27 06

This is one of the moments where I feel like my eyes are a hundred pounds or more. It would fall of in no time at all. The pull of gravity on my back has been so intense that I could lie down on the floor. My strained neck has been doing the rounds left and right. And I could no longer maintain my composure in front of these people.

I got a new mail again from mabel. This time, she is asking for assistance for our baby. What can I say, I will be a father soon.

marami lang akong iniisip ngayon na matagal ko ng saloobin. Actually, sa dami ng naiisip ko hindi ko na alam kung ano ang tama at ano ang mali. Oo, sinagot ko ang kanyang sulat at kahit papano ako ay nagmagandang loob na sasagutin ang mga kinakailangan ng bata. Masama pa rin ang loob ko sa totoo lang. Parang wala akong magandang nagawa sa relasyong eto kaya nahantong sa ganito. Sino ba ang dapat sisihin? Ako ba? Siya ba? Or kami pareho? Sino kaya ang pwedeng sumagot ng mga tanong ko…

hindi ko pwedend ikwento sa nanay ko kse masyadong masalimuot ang aming estado ngayon. Tiyak hindi nya maiintidihan kung bakit. Kaya sinabihan ko lang sya na huwag na lang maki alam. Alam ko may malasakit ang nanay ko kahit papano pero ngayon kelangan na dapat wala syang malalaman tungkol sa aming dalawa. Mahalaga na kahit papano o ano man ang mangyayari, wala syang alam tungkol sa kung ano nga ba talaga ang tunay na dahilan.

Siguro kung alam nia tiyak na magagalit yun sa una. Pero sa una lang naman. Siguro naman maiintidihan din nya kung bakit nag kaganito. Sa dami ng nangyari sa buhay ko na parang duamaan lang na normal, eto pa lang ang pinaka masalimuot sa tanang buhay ko.

May kliyente pa ako. Teka lang.
Eto ulit ako. Ayan, maraming pula tuloy ang aking manuscript gawa ng tagalog ang sulat ko ngayon.

No comments: