Tuesday, September 18, 2012

Anibersaryo...


Simula ng ako'y maging isang ama, napagtanto ko ang tunay na kahulugan ng aking paglalakbay sa ibabaw ng mundo. Nagkaroon ng tuwid na pag iisip upang tahakin and tamang landas na bagkus mahirap lakbayin ay tanging napakagaan naman sa pakiramdam.

Kasabay ng simula ng aking buhay tatay ay ganon din ang simula ng aking pagpasok sa bagong yugto ng aking karera. Mahirap humakbang sa isang pagpapasya na ikaw ay lumipat ng trabaho lalo na kung nakasanayan mo na eto. Ang mga taong nakapaligid sa iyo. Ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Ang lugar na kung saan ay masaya ka at wala ng hihilingin pa. Pero darating sa ating buhay na kelangan pala natin lumabas din minsan sa ating bakuran at alamin kung ano ang nasa kabila.

Sa araw na eto ako'y nadiriwang ng aking ika anim na taon. Anibersaryo wika nga. Sa loob ng mga nakaraang taon, ano nga ba ang binago sa akin ng aking pinapasukan? Sa personal na lebel at maging sa karera na lebel?

Sabi ko nga, hindi ko palalampasin ang araw na eto na hindi ko maisulat ang mga bagay na sa tingin ko ay nagpamulat sa akin sa mundo. Mailista nga ang mga bagay na dapat pasalamatan sa aking pinagtatrabahuhan.

1. Ako'y mapalad at may trabaho akong maganda at katamtaman na pasahod (Hindi naman kalakihan tama lang pero pwedeng lakihan:) Kasama nyan ay paglakbay dito sa ating bayan kasama na ang mga paminsan minsan na lakbay sa labas ng bansa.

2. Sabi nga nila, pag sa gobyerno ka nagtatrabaho, hindi maganda ang reputasyon. Pero ibahin mo ang aking tanggapan. Sabi nga ng ibang kliyente ko, aba'y parang hindi opisina ng gobyerno (palikuran pa lang parang nasa hotel ka na may limang estrella).

3. Kahit na government office ang pinapasukan ko, (maiba lang tayo) hindi kami pasahod mula sa buwis na binabayaran ng taong bayan. Kami ay kumikita sa sarili namin bagkus, ang aming tanggapan ay bumibigay pa taon taon sa ating kaban ng bayan. Ang totoo nyan, Hall of Famer ang aming tanggapan sa may pinakamataas na buwis na binibigay sa Pasay (ang MOA sa Pasay din pero talo namin sa bayaran ng buwis).

4. Hindi naman sa nagmamayabang, pero ang aming tanggapan ay walang kurakot. Oo. Taas noo kung sasabihin yan sa kahit kanino na may government office pa dito sa Pilipinas na natitira na graft and corrupt free. Sa loob ng anim na taon kung pamamalagi dito wala pa akong nakasagupa sa aking mga kasamahan na kurakot mula sa pinakamataas na posisyon hanggang sa pinakailalim. At proud ako dun.

5. Ang aking motto kasama ng aking mga kasamahan sa aking departemento ay pagbigay ng serbisyo sa publiko na higit sa kanilang ina asahan. Ibig sabihin mabilis, maagap, tama at magalingin. Isama mo na lahat dyan na pandiwa na makikita sa isang modelong empleyado at tatapatan ko yan (naisip ko nga minsan sayang ang binayad ng aming opisina sa nag training sa amin sa Customer Service). Kahit na government office kami, pinag training kami ng ganon para maiangat ang antas ng serbisyo ng gobyerno lalo na at mga investor ang kausap namin sa araw araw.

6. Sabi nila, ang masayang empleyado sa opisina ay masayang tatay pag uwi sa bahay nila pag dating ng dapit hapon (gawa ko lang eto). Kaya ayun, lagi akong nauna sa pila sa bundy clock pag dating ng alas singko ng hapon kase uuwi na ako sa aking dalawang supling na sigurado ako pagdating ko sa bahay eh block buster na naman ako. Yakap at halik na walang katumbas.

Salamat at naka anim na taon ako dito sa aking trabaho.
Salamat at naging mabuti akong empleyado.
Salamat at nakakapag serbisyo ako sa aking bayan na tapat at masaya.
Salamat at may opisina pang ganito at may mga empleyado pa na hindi kurakot sa Pilipinas.

Salamat sa buhay.
Salamat sa aking mga anak at asawa.
Salamat sa Poong May Kapal.

p.s.

Pasyensya na sa aking pagyayabang. Pagbigyan nio na tutal anibersayo ko naman at huling taon ko na dito sa aking opisina para sumubok ulit kung ano meron sa kabilang bakuran.



Kasama din sa aking trabaho ay taunang pagtatanghal sa entablado. Sa lahat siguro ng mamimiss ko ay eto pag ako'y lumisan na. "The Heat Is On In Saigon" circa 2011.


3 comments:

Archieviner said...

Happy 6th anniversary sau sir.. sanay marami kapang matulungan bilang pagbibigay ng publikong serbisyo :) Saludo ako sau sir bilang isang ama na naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya :)

Overthinker Palaboy said...

sang ahensiya ka ng gobyerno?

tHirDy... said...

thanks @archie.
@overthinker, sa peza.