Wednesday, September 05, 2012

Buwan ng Wika


Huli man daw at magaling, ay magaling pa din. Setyembre na pero may buwan ng wika pa rin akong nalalaman. Di ba nga ito ay patungkol sa mga karanasan ko bilang isang ama at ang aking isusulat ngayon ay tungkol naman sa paligsahan na sinalihan ng aking bibong anak sa buwan ng wika. Kaya hayan nyo na ako.

Oo. At dahil nga ako ay isang entablado na tatay (pano ba ipilipino ang stage daddy?lols), syempre kelangan eh galingan ko ang aking pag ensayo sa aking kalahok para manalo. At hindi naman nabigo si tatay entablado (yes! lols) nanalo ng unang gantimpala sa pagbigkas ng tula ang aking anak. Ang pamagat ng tula "Tayo'y Pilipino". Sa labing pito (yes, 17) na sumali akalain mo ginto (Gold po) or unang gantimpala ang nasungkit nya. hahaha. Syempre parang ako ulit ang nanalo. Eto sya ng binibigkas nya ang kanyang tula. Ang sabi ko lang sa kanya, malakas, malaki at klaro na boses lang ang lihim para manalo. At hindi naman nya binigo si tatay entablado. lols.




Eto picture nya kasama ng mga nanalo. Kalahok numero 3 sya. Yonng dalawa na katabi nya yun ang nanalo ng ikalawa at ikatlong parangal.




Grabe, hirap managalog pala. hahaha. Ikaw na ang bisaya1

2 comments:

Overthinker Palaboy said...

congrats sa anak! at sa tatay entablado!

uy, okay naman ang pagFilipino mo. masayang basahin :)

tHirDy... said...

thanks man. :) pasensya na bisaya kase ako. :)