Friday, November 23, 2012

Of Mcdo, Perfect Cone and Pili Nuts


Nakikini kinita ko na ang mangyayari sa bulsa ko pag nag opening ang langyang Mcdo sa tabi ng bahay namin. Sigurado ang aking mga supling ay hihirit na naman lagi ng Mcdo na fires, chicken, spag or burger. Pano ba naman, tatlong hakbang lang yata mula sa gate namin ay Mcdo na. Sana lang maganda exhaust nila para di mag amoy fried chicken mga nakasampay namin na damit dito sa garahe. Oo. ganyan sya kalapit. Di naman sa ayaw ko sya dun sa tabi namin pero tingin ko mas magastos kami pag dun sya katabi. Lalong lalo na si Baby Dax at naglulupasay pag hindi binigay ang gusto nya. Good luck sa akin nito. Sa kabilang banda, may dulot naman syang maganda. At least may mga nilagay silang poste sa tapat ng gate namin. This means, i can switch off the lights in the garage at iwas gastos na din. Tsaka iwas masasamang loob na din don sa kalsada kse hindi na madilim.

Sa kabilang banda, medyo excited ng onti sa nalalapit na trip papuntang Bicol next week. Naka ukit na sa isipan ko na subukan ang sikat na wakeboarding nila dun. Mga ilang beses na din akong pumunta don pero kung ano anong adventure yung aming napuntahan at di man lang nasubukan ang ganitong gawain. This time, sisikapin ko na maisingit sya sa medyo hectic na sked ng byahe ko. Pili nuts here I come.


13 comments:

JonDmur said...

magastos nga yan kasi mangungulit ang mga kids... pero oks na rin kasi malapit na kayo sa mcdo hehehe

Archieviner said...

Whaaa lagot ka sa mga supling mo. Ihanda ang budget. Lalaki din ang market value ng haus & lot nyo dahil sa mcdo magiging commercial na. hehe

Uwi ka ng maraming pili nuts ah :)

jep buendia said...

wow ang saya :) gusto ko rin ng ganyan, fastfood sa tabi lang ng bahay :) para anytime go lang, yung nga lang, kakaubos din ng budget...

gudlak sa bicol, magayon ang bicol :)

Pink Line said...

huwaw!..ang ganda siguro ng place nio for business..hehe..go kalabanin na si mcdo..

gusto ko yung coco jam with pili nuts grabe ang sarap nun :)

joanne said...

Pangarap kong maging kapitbahay din ang Mcdo, hehe! Sarap ng miryenda ng mga kiddos.. laging Big Mac, haha!

Goodluck sa trip sa Bicol.. enjoy!

Hi! I am LiLi! said...

Oh no! I wouldn't like to be Ronald McDonald as a neighbor. hehehehe. Magastos yan.

amo said...

your blog it's very interesting
i'm your new gfc follower
would you like to follow each other

miblogbyamo.blogspot.com

Overthinker Palaboy said...

tinuruan ko ang mga pamangkin ko na pag kakain sa labas, ang rule ay "buy the cheapest". nagwork naman sa akin :)

mike said...

at first, your kids will want to go everyday. but in the long run, they'll get bored with it. believe me, i know. a block away where i grew up, there's a mcD :)

Juicy Jay said...

Natuwa naman ako, Napi-picture out mo na ang mga scenario once na mag open ang McDo sa tabi ng bahay mo. Pressure eto hahaha...

Siyanga pala, isa akong bagong follower. Let's exchange link. Thanks

ZaiZai said...

Enjoy sa Bicol trip! :)

Pinringan ang mata ng chikiting tuwing dadaan sa kapitbahay na McDo! O kaya tumuro sa kabilang side ng kalye para madistract sila haha :)

Im_Rix said...

Enjoy the trip :)

Pao Kun said...

Pasalubong! HAHAHAH! (FC!) :D