Monday, December 03, 2012

Happy Birthday Nanay...



Too late for the halloween...

Mahirap maging isang magulang. Lalo na ang magiging ina sa apat na makukulit at mga pasaway na anak na lalake. Pero nakayanan ng Nanay ang lahat ng iyon. Naisip ko tuloy, kung ako ngayon ay medyo nangungunsumisyon sa aking dalawang babaeng supling, pano pa kaya ang aming nanay at kami'y apat lang naman na barako na pinalaki nya. 

Ganonpaman, si Nanay ay hindi man lang kami napalo ni kahit minsan. May pakurot kurot naman paminsan minsan pero wala akong maalala na panahon na napalo ako o ang aking mga kapatid. Ngayong ako'y isang magulang na rin, na aapreciate ko mas lalo yung hirap at yung pasensya na binigay sa amin ni Nanay. lalo na ng mga panahon na kaming 3 ang sabay na nag aral sa kolehiyo, naiaros kaming lahat ni Nanay at Tatay. Naisip ko tuloy siguro kung ako sa kalagayan nila hindi ko kinaya. Pero iba pala talaga pag magulang ka. Kakayanin ang lahat para lang sa mga anak mo.

Ngayon na natupad na ang lahat ng pangarap ni Nanay at nag retiro na rin sya sa pagiging guro, masaya na sya na pumarine at pumaroon sa munting tahanan nya sa probinsya at kung saan saan pa. Ang totoo nyan, gusto ko ngang tumira dun sa bahay nya kse nasa gitna ng pala isdaan, pagka gising mo pwede ka ng dumerecho sa veranda at kunin ang pamingwit at manghuli ng isda. 

Ngayong araw ay ika 67 na taon na ni Nanay. Mahaba haba na din yung nilakbay nya para sa aming mga anak nya at pati ang 6 nyang apo. Ang pangarap nya na makapunta sa Amerika at Australia ay natupad na din. Wala na rin ata syang gusto pang gawin sa buhay maliban sa magbigay ng ngiti sa kanyang mga apo. Kaya ngayon, ako'y nagbibigay pugay sa aking Nanay na sintatag ng adobe ang pundasyon sa buhay. Nanay, kahit hindi mo to mabasa kase hindi ka nagbabasa ng blog, etong araw na eto ay binabalik ko ng abot langit na pasasalamat sa buhay na inilaan mo sa amin. Hindi sapat ang mga kataga o mga pagpupuri pero mula sa kaibuturan ng aking damdamin madaming salamat talaga. Ako'y isang magaling na magulang ngayon dahil sa inyong dalawa ni Tatay. 

In our own words, ginatamyaw ta guid ikaw it masinadyahon nga adlaw sa imo nga birthday makaron. Gina wish ko kay Lord nga kunta taw an ka pa it mahabang dag on para kamon ag mayad nga pangeawason eang pirmi.


9 comments:

Hi! I am LiLi! said...

sweet.

Happy birthday sa nanay mo. :)

ZaiZai said...

Happy Birthday sa Nanay mo Daddy Cool Earl :) I'm sure she's happy, having you, all her love ones and so much blessings :)

Juicy Jay said...

Sa title pa lang alam kung tagos na ang mensahe mo sa nanay mo.

Basta pag usapan na ang mga nanay, malambot na ang puso ko, I mean lumalambot na ang puso. At kahit pinigil ko ang iyak ko sa mensahe mong ito, tumulo pa rin ang luha ko.

Sabi mo nga walang di kakayanin ang nanay (magulang) para sa mga anak. Your mother is so blessed to have you in her life. Kahit paminsan may pasaway na stage ng buhay (lalo pa't mga barako kayo). Naintindihan ko ang last part ng sinabi mo in your native dialect. Tagos sa laman ang mga sinabi mo. Isang anak na nagbabalik ng isang pasasalamat sa nanay na naging instrumento upang makita ng isang anak ang ganda ng munda at ang kulay ng buhay.

Mabuhay ka Daddy Cool. Saludo ako sayo.

Juicy Jay said...

In our own words, ginatamyaw ta guid ikaw it masinadyahon nga adlaw sa imo nga birthday makaron. Gina wish ko kay Lord nga kunta taw an ka pa it mahabang dag on para kamon ag mayad nga pangeawason eang pirmi.

TRANSLATION: (based on how I understand it)

"Binabati kita ng isang masayang araw sa iyong birthday. Wini-wish ko kay Lord na sana bigyan ka pa ng mahabang buhay? at maayos/magandang pangangatawan lagi. Di ko naintindihan ang "dag on para kamon ag" sorry hehehe. Pero, I'm sure that's the essence of it. hehehe..

eArL... said...

@lili, thanks.
@zai, salamats.
@jay, lols. thanks for having the time in reading the aklanon dialect. The one that you cant figure out "dag on para kamon", it means "long years ahead for us".

but you nailed it though. thanks.

Jag said...

Happy natal day to your wonderful mom...and those pumpkins are ginormous! LOL

amo said...

enjoy the day
happy birhtday

miblogbyamo.blogspot.com

Im_Rix said...

happy birthday sa mama mo :)

Archieviner said...

Happy birthday kay nanay,

Nakarelate ako dito ser. Isipin mo nalang kung papano nagpalaki ang ating nanay na anak na puro lalaki. Diba galing ni nanay. kudos to ur nanay :D

Btw ser yung nag kaapo si mama babae naman lahat. dun bumawi. sayo rin diba. hehe